Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dianne Nieto

Dra. Dianne Nieto: Serbisyong Totoo para sa Distrito Kuwatro

SI DRA. DIANNE NIETO ay isang masipag at maaasahang doktor na matagal nang naglilingkod sa mga Manileño. Bilang lead doctor ng medical team ni Vice Mayor Yul Servo Nieto, lagi siyang on-call sa tuwing may sakuna o emergency sa Maynila.

Dahil sa malawak niyang karanasan sa quick response operations, batid niya ang tunay na kalagayan ng kalusugan sa lungsod. Kaya’t binuksan niya ang Alagang Nieto Clinic sa Sampaloc upang direktang makatulong sa mga taga-Distrito Kuwatro.

Bilang Chief of Staff ng Office of the Vice Mayor, siya rin ang nanguna sa mga programang tulad ng Botika ng Manileño, na nagbibigay ng libreng maintenance medicines. Pero hindi siya tumigil doon “Botika on Wheels” ang kanyang inisyatibo para maihatid ang gamot sa mismong tahanan ng mga pasyente, lalo ang mga hindi makalabas o walang pasahe.

Bilang isang ina, isusulong din ni Dra. Dianne ang proteksiyon para sa mga working moms at ang pagbuo ng mobile clinics na magbibigay ng libreng check-up, bakuna, at serbisyong medikal sa mga barangay.

Sa kanyang dedikasyon, karanasan, at malasakit, si Dra. Dianne Nieto ay handang maging boses ng kalusugan at kalinga sa Konseho ng Maynila bilang Konsehal ng Distrito Kuwatro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …