Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Dayuhan nagpanggap na cosmetic surgeon nasakote sa QC

ARESTADO ang isang Vietnamese national na nagpanggap bilang cosmetic surgeon at nagpapatakbo ng isang aesthetic clinic sa lungsod Quezon.

Ayon sa ulat ng NBI-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD), hindi lisensiyado ang mga dayuhang doktor sa naturang clinic.

Ani Atty. Jerome Bomediano, hepe ng NBI-OTCD, gumagawa sila ng mga minor surgery sa mukha ng mga pasyente na dapat ay mga lisensiyadong doktor lamang ang gumagawa.

Nag-aalok ang klinika ng malaking diskuwento sa mga serbisyo tulad ng botox, lip at chin filler, eyelid surgery, at alar trimming.

Ayon sa NBI, delikado ito dahil hindi dumaraan sa tamang pasusuri ang mga kliyente.

Tumangging magbigay ng pahayag ang dayuhang suspek na sinampahan ng kasong illegal practice of medicine.

Paalala ng NBI sa publiko, tangkilikin lamang ang mga lehitimong clinic upang matiyak na ligtas ang mga isasagawang procedure sa katawan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …