Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Erwin Tulfo na nananatiling numero uno sa pinakabagong senate survey.

Sa kalalabas na survey ng WR Numero, ginawa mula 23 Abril hanggang 30 Abril at nilahukan ng 2,400 respondents, nagtamo si Tulfo ng 48.7 percent voting preference, tumaas ng 5.3 percent mula sa naunang survey.

Nagpakita rin nang matatag na voter base si Tulfo dahil nananatili siyang nasa unahan ng preferences anomang kulay o partido ang sinusuportahan.

Numero uno siya sa mga Pro-Marcos (65%) at Independent voters (52%).

Samantala, number 2 naman siya ng mga Opposition supporters (50%), at number 3 ng mga pro-Duterte supporters (40%).

Kung gaganapin ang halalan sa nasabing survey period, kasama ni Tulfo sa winning circle sila Christopher “Bong” Go (45.3%), Tito Sotto (37%), Bato Dela Rosa (36%), Pia Cayetano (36.6%), at Ben Tulfo (35.2%).

Pasok din sila Lito Lapid (34.8%), Ping Lacson (33.8%), Abby Binay (31.7%), Camille Villar (29.8%), Bong Revilla (29.5%), at Bam Aquino (28.5%).

Maliban sa bagong WR Numero Survey, patuloy na nangunguna si Tulfo sa iba pang mga senate surveys ng OCTA Research, Social Weather Stations (SWS), at Pulse Asia.

Bunsod nito ay lubos na nagpapasalamat si Tulfo sa mga kababayan nating nadaraanan ng mga survey dahil sa kanilang ‘di matatawarang tiwala at suporta.

Aniya “Hindi ko po kayo bibiguin at ‘di ko hahayaang masayang ang boto ninyo sa akin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …