Tuesday , July 29 2025
Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It — ang motorcycle taxi service na pinatatakbo ng Grab – dahil sa patuloy nitong paglabag sa regulasyon ukol sa fleet limit at kabiguang sumunod sa mandatory reporting rules sa ilalim ng motorcycle taxi pilot study.

Sa inilabas na kautusan, inatasan ng TWG ang Move It na itama ang bilang ng kanilang mga rider batay sa inilaan sa kanila ng gobyerno at ihinto ang operasyon sa mga lugar kung saan wala itong pahintulot, partikular sa Cebu at Cagayan de Oro.

Inutusan nito ang Move It na sumunod sa reportorial requirements sa activation, deactivation, at reactivation ng riders.

Nag-ugat ang parusa sa Show Cause Order noong Disyembre 2024 na pinagpapaliwanag ang mga motorcycle taxi company ukol sa alegasyon ng paglabag sa alokasyon ng riders.

Base sa tala na isinumite sa TWG, nakompirma na pinayagan lang ang Move It na mag-operate ng 6,836 units ngunit natuklasang umabot na ang bilang ng rider nito sa 14,662 – mahigit doble sa pinapayagang bilang at itinuturing na “colorum” at labag sa batas.

Nabigo rin ang kompanya na iulat ang pagpapalit sa estado ng rider, isang mahalagang requirement. Hindi naman ito itinanggi ng kompanya.

Ayon sa TWG, ang mga paglabag na ito ay nagresulta sa libo-libong ‘di awtorisadong motorcycle taxi sa kalsada.

Nagbabala ang TWG na posibleng patawan ng mas mabigat na parusa ang Move It kung hindi susunod sa kautusan, kabilang ang tuluyang pagkansela ng kanilang permit.

Una nang binatikos ni Sen. Raffy Tulfo ang Grab dahil sa polisiya nitong ipasa sa mga driver ang 20% diskuwento para sa estudyante, senior citizen, at PWD.

Sa ginanap na pagdinig sa Senado, isiniwalat ng Philippine Competition Commission (PCC) na umabot na sa ₱86.7 milyon ang multa ng Grab simula 2018, kabilang ang P16.15 milyon dahil sa paglabag sa pamantayan sa pasahe at pagkansela ng mga booking.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan

Pinakamataas na naranasan
High tide sa Bulacan ngayong taon umabot sa halos 5 talampakan

KASALUKUYANG nakararanas ng high tide ang lalawigan ng Bulacan na may taas na halos limang …

SSS

SSS maglalabas ng binagong Calamity Loan Program (CLP) guidelines; pagbaba ng interest rate sa 7%, pinapayagan ang renewal pagkatapos ng anim na buwan, pinasimple ang proseso ng pag-activate para sa napapanahong tulong pinansiyal

INIANUNSIYO ng Social Security System (SSS) na maglalabas sila ng revised Calamity Loan Program (CLP) …

Bulacan PDRRMO NDRRMC

Bulacan, pinaigting disaster response sa mga binahang munisipalidad

HABANG patuloy na nararanasan ang epekto ng habagat na pinalakas ng mga bagyong Crising, Dante, …

NDRRMC

25 katao patay sa 3 bagyo at Habagat

PATAY ang 25 katao sa magkakasunod na pagtama ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong …

Sara Duterte Bam Aquino

Bam Aquino nanindigan impeachment trial vs VP Sara dapat ituloy
Humingi ng caucus sa mga kapwa Senador

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara …