Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pasay PNP Police

Shabu ‘via courier’ buking Chinese national arestado

ARESTADO ang isangChinese national ng mga operatiba ng Pasay City Police Station sa tangkang pagpapadala ng parcel na naglalaman ng ilegal na droga sa isang courier company, sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Chao Meng, 38 anyos, na nasakote ng mga tauhan ng Sub-station 10 ng Pasay Police, 9:45 ng gabi nitong 27 Abril 2025.

Aktong magpapadala ng ilegal na droga sa isang forwarding company sa isang mall sa Pasay ang suspek.

Nabuking ng mga empleyado ng forwarding company ang 54.8 gramo ng shabu, katumbas ng P372,000 halaga, na nakalagay sa isang pulang envelope para ipadala sa China.

Kabilang sa nakuha ang mga dokumentadong ebidensiya gaya ng isang reusable FedEx plastic pack; shipment form; deeds of agreement, isang cellphone, at identification card ng suspek.

Isinailalim sa kustodiya ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek, habang nakabinbin ang inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …