Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead Road Accident

Sa Quezon City
Driver ng TNVS natagpuang patay

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang driver ng transportation network vehicle service (TNVS) sa loob ng kaniyang kotseng nakaparasa sa southbound lane ng Miriam Defensor Santiago Ave., sa Brgy. Bagong Pag-asa, sa Quezon City, nitong Lunes, 28 Abril.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), natagpuang wala nang buhay ang 61-anyos lalaki dakong 6:00 ng umaga, ng isa pang TNVS driver.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nakita ng saksi ang biktima na walang malay sa loob ng isang metallic green na sedan kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga security guard sa lugar saka iniulat sa pulisya ang insidente.

Walang kahit anong tanda ng pisikal na pinsala sa katawan ng biktima na sasailalim sa awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Ayon kay QCPD officer-in-charge P/Col. Randy Glenn Silva, patuloy nilang iimbestigahan ang insidente.

“Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng QCPD upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima at upang malaman kung may iba pang indibiduwal na may kinalaman sa insidente,” pahayag ni Silva. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …