Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Caloocan

P74.8 milyong shabu nasabat sa Caloocan

NAKOMPISKA ng mga operatiba ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) ang nasa P74.8 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation nitong Linggo ng gabi sa Caloocan City.

Ayon kay PDEG acting chief Col. Rolando Cuya, nadakip ang mga high value individuals (HVIs) na sina alyas Johary, 26 anyos, at Am­bulo, 25, sa Brgy. Amparo, North Caloocan.

Nabatid na ‘under surveillance’ ang mga suspek hanggang makompirma ang kanilang bagong transaksiyon.

Hindi nakapalag ang mga suspek nang masakote sa buybust operation.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 11,000 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P74,800,000 kasama ang mga non-drug paraphernalia.

Dinala sa Amparo Sub-Station 15 ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act habang dinala sa Northern Police District, Crime Laboratory para sa pagsusuri ang mga nakompiskang ilegal na droga.

Pinuri ni Cuya  ang kanyang mga tauhan sa matagumpay na police operations.

Aniya, magsilbi itong motibasyon sa mga pulis para patuloy na labanan ang pagkalat at bentahan ng ipinagbabawal na droga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …