Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aguilar, inilunsad komprehensibong plano kontra baha para sa Las Piñas

Carlo Aguilar, inilunsad komprehensibong plano kontra baha para sa Las Piñas

SA pagdiriwang ng Earth Month, inilahad ni Las Piñas mayoral candidate Carlo Aguilar ang isang komprehensibong plano upang tugunan ang matagal nang problema ng pagbaha sa lungsod—isang isyung itinuturing na pinakamalubha ng mga residente, ayon sa pinakahuling survey ng Grassroots Analytics Philippines.

Ayon sa survey, malapit na konektado ang problema ng pagbaha sa hindi maayos na pamamahala ng basura. Itinuro ng mga residente ang maling pagtatapon ng basura bilang pangunahing dahilan ng madalas na pagbaha sa mga lansangan at komunidad.

Bilang tugon, inilatag ni Aguilar ang isang malawakang estratehiya na kinabibilangan ng pagsasaayos, pagpapalawak, at modernisasyon ng drainage system ng Las Piñas.

Aniya, ang tag-init ay tamang panahon upang isagawa ang regular na paglilinis ng mga ilog, sapa, at daluyan ng tubig upang masiguro ang malayang pag-agos ng tubig.

“Ang pag-aalis ng bara sa ating mga kanal ay isang bahagi lamang ng solusyon. Kailangan din nating pagbutihin ang pamamahala ng basura at tiyaking aktibong kalahok ang ating mga komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan laban sa baha,” diin ni Aguilar.

Isa sa mga pangunahing hakbang ng kanyang programa ay ang pagtatatag ng mas episyente at organisadong sistema ng koleksiyon ng basura.

Ayon kay Aguilar, sa ilalim ng kanyang pamumuno, paiigtingin ng lungsod ang operasyon ng mga garbage truck na pag-aari ng lokal na pamahalaan imnes umasa sa mamahaling pribadong contractors. Sa ganitong paraan, mababawasan ang gastos at mapapabuti ang serbisyo.

Kasama rin sa plano ni Aguilar ang pagpapatupad ng malawakang kampanya para itaguyod ang tamang pagtatapon ng basura sa mga residente. “Mahalaga ang pagbabago ng asal pagdating sa wastong pagtatapon ng basura,” giit niya. “Kung hindi natin babaguhin ang ugali ng tao sa paghawak ng kanilang basura, hindi tayo magkakaroon ng epektibong waste management system.”

Binigyang-diin ni Aguilar ang koneksiyon ng pangangalaga sa kapaligiran sa pagpigil ng pagbaha. Bilang bahagi ng kanyang mas malawak na plano, balak niyang maglunsad ng malawakang kampanya sa pagtatanim ng puno at pagtutulak ng mga proyektong urban greening.

Dagdag pa rito, nangako siyang mahigpit na ipatutupad ang zoning regulations ng lungsod upang mapigilan ang pagtatayo sa mga lugar na madalas bahain.

Kapwa idiniin nina Aguilar at ng kanyang running mate na si Louie Bustamante, na dati nang nagsilbing vice mayor at konsehal, na mahalaga ang partisipasyon ng buong komunidad upang maging matagumpay ang flood control program.

“Bawat isa sa atin ay kailangang kumilos para wakasan ang problema ng pagbaha—mula sa maayos na pagtatapon ng basura hanggang sa aktibong pakikiisa sa mga programa ng lungsod,” pahayag ni Bustamante.

“Sa Bagong Las Piñas, mababawasan ang pagbaha dahil sama-sama tayong maglilinis at magmamalasakit sa ating kapaligiran,” pagtatapos ni Aguilar.

Photo Caption:

BINIGYANG-DIIN ni Las Piñas mayoral candidate Carlo Aguilar na malulutas ang problema sa baha sa pamamagitan ng modernong drainage system.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …