Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABP Partylist nominee inambus sa harap ng bahay

042925 Hataw Frontpage

PATAY ang 2nd nominee ng Ang Bumbero Partylist (ABP) matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa harap ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila kagabi.

Naitakbo pa sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ang biktimang si Leninsky Bacud, dating chairman at second nominee ng ABP na tumatakbo sa May 12 party-list polls.

Batay sa inisyal na ulat ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), nabatid na bago mag-6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng bahay ng biktima sa P. Guevarra St., Sampaloc, Maynila.

Bago ang ambush, nabatid na magkasama sina Bacud at si Jose Antonio Goitia sa isang aktibidad ngunit naghiwalay dahil pauwi na ang biktima sa tahanan nito.

Kaya ikinabigla ni Goitia nang mabalitaang tinambangan ang biktima.

Sinasabing kadarating ni Bacud sa lugar at kabababa ng kanyang sasakyan nang  pagbabarilin ng mga suspek.

Isang pulis sa lugar ang nagkapagresponde sa ambush at nakipagbarilan sa mga suspek ngunit nakatakas pa rin sakay ng isang motorsiklo.

Ayon kay PMaj. Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan silang nagsasagawa ng hot pursuit operation.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen upang matukoy kung sino ang nasa likod nito at kung may kinalaman ito sa nalalapit na halalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …