Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

InnerVoices naglunsad apat na bagong kanta

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY magandang balita ang InnerVoices na binubuo nina Atty. Rey Bergado, Rene Tecson Joseph Cruz, Joseph R. Esparrago, Alvin Peliña Herbon, at ang pinakabagong member ng grupo  ang kanilang frontman, si Patrick F. Marcelino, ang bago nilang kanta ngayong taon.

Ito ay ang mga awiting Meant To Be, Galaw, Idlip, at Tubig, Hangin, Apoy, Lupa o T. H. A. L.

Ani Atty. Rey ukol sa awiting Meant To Be, “ako ‘yung gumawa ng kanta noong 2016. Buo na ‘yung Innervoices pero nag-release 

 kami ng album under Universal Records, may nagsabi sa akin, ‘maganda bakit ‘di mo isinama?’ I felt siguro something is telling me no. Sabi ko at saka na siguro may time  para i-release ‘yan.

“And then nagka-hiatus ‘yung banda noong 2017 so, hindi namin siya nai-record and noong dumating si Angelo iba naman ‘yung forte niya. So kung maaalala n’yo rock ‘yung kinakanta namin. We tried na i-record nga pero we both knew na hindi babagay kaya naitabi ulit.

And come 2024 si Patrick nag-message sa akin, ‘puwede bang  humingi ng pa-birthday?‘ kasi birthday niya noong December. Sabj ko ano gusto mo? Sagot niya, ‘ibigay mo na lang sa akin ‘yung ‘Meant To Be,’ kasi parang ‘di n’yo naman kakantahin.

“Sabi ko oo hindi naman kasi namin kakantahin, ibinigay ko sa kanya, so inirecord namin noong 2024.

“Tapos sumunod ‘yung ‘Idlip’ ganoon din ibinigay sa akin ni Bob, sige i record natin, so naging dalawa na ‘yung kanta niya.

“Pero intended namin ‘yun i-release as solo niya kasi gusto ko siyang tulungan dahil sabi niya na everytime na a-absent si Angelo siya ‘yung papalit. 

“Parang gusto kong tumanaw ng utang na loob kasi mahirap ‘yun. Totoo mahirap palitan si Angelo on stage, but nakukuha niya ‘yung tao  and I know kaya niya. But alam ko ‘yung adjustment na gagawin niya kapag kami ‘yung kasama niya. So, sabi ko sige bibigyan kita ng break.

“Eh dumating nga ‘yung development na ganito we might as well kunin ka na naming singer ‘yung ini-record natin gamitin natin sa Innervoices, talagang ‘Meant To Be,’ so bumagay talaga ‘yung title. 

“About ‘Galaw,’ si Glen humingi rin sa akin ng tulong, you know my advocacy is to help  musicians talaga, I’m not here para sa sarili ko, dahil coming from the industry when I was in college gusto ko ring tumulong.

“So nagbigay siya sa akin ng kanta, sinabi niya, ‘baka puwede mo akong tulungan sa mga song ko?’ Ibinigay niya sa akin ‘yung ‘Galaw,” mahabang pagbabahagi ni Atty Rey.

Nabuo ang awiting Galaw ayon sa composer nito na si Glen dahil tipo na gumawa ng dance music dahil panatiko siya ng Manila Sound

Habang ang awiting Idlip ay para naman sa mga strong women na hindi pa handang magmahal, at ang Tubig,Hangin,Apoy, Lupa (T. H. A. L) ay tungkol naman sa pag-big.

Magiging abala ang InnerVoices ngayong taon sa promotion ng kanilang songs at sa dami ng kanilang gigs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …