Monday , May 12 2025
Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya singer na si Hajji Alejandro.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito ang obituary card ni Hajji kalakip ang kanyang mensahe na pinuri ang mga magagandang katangiang kanyang hinahangaan sa tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala noong 70’s.

Mensahe ni Ogie, “Tito Hajji was just an amazing human being. He was friendly, always joking around, kind, accommodating and the supreme professional when it came to his art of singing.

“He was fondly called the original ‘Kilabot ng mga Kolehiyala’ and there is no doubt that all our hairs would stand with each note that he sang.”

Ibinahagi rin ni Ogie ang kanyang kalungkutan dahil isa na namang alagad ng sining ang lumisan.

Aniya, “These days have been just truly sad as we have all been mourning the loss of our music heroes.”

Nagpaabot din si Ogie ng kanyang pakikiramay sa pamilyang naulila ni Hajji.

To Rachel, Barnie, Nino and the rest of the Alejandro Family, we send our deepest sympathies. We are thinking of you at this time and praying for your comfort from our Lord,” sey pa ng singer-actor.

Noong April 22 nang kompirmahin ang pagkamatay ni Hajji sa edad 70 dahil sakit na colon cancer.

About Rommel Placente

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …