Thursday , May 8 2025
TRABAHO Partylist, nananawagan lumikha ng sustainable at maayos na pasahod sa mga probinsiya

Sa gitna ng lumalalang trapiko sa Metro Manila
TRABAHO Partylist, nananawagan lumikha ng sustainable at maayos na pasahod sa mga probinsiya

NANAWAGAN ang TRABAHO Partylist para sa paglikha ng mga sustainable at may maayos na pasahod na trabaho sa mga probinsiya bilang tugon sa patuloy na problema ng matinding trapiko sa Metro Manila.

Ibinahagi ng grupo ang panawagan kasunod ng obserbasyon nitong nakaraang Semana Santa, na bumaba ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan, isang patunay sa tindi ng karaniwang trapiko sa Kamaynilaan.

Sa ulat noong 2024, itinuring ang Metro Manila bilang isa sa pinakamatrapik na lungsod sa buong mundo, na umaabot sa 127 oras kada taon ang ginugugol ng mga motorista sa trapiko, katumbas ng halos limang araw.

Sa oras ng rush hour, naitala rin ang karaniwang bilis ng mga sasakyan sa 13 kilometro kada oras.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, mahalagang paigtingin ang desentralisasyon ng mga oportunidad pang-ekonomiya upang mabawasan ang pagsisikip sa urban na lugar.

Aniya, sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho sa mga lalawigan, mababawasan ang pag-asa ng mga mamamayan sa Metro Manila para sa hanapbuhay at matutulungan nitong maibsan ang araw-araw na dagsa ng mga sasakyan at komyuter.

Hinimok din ng partido ang pamahalaan na mamuhunan sa mga industriya sa rehiyon, palakasin ang impraestruktura, at magbigay ng insentibo sa mga negosyong magtatayo ng operasyon sa labas ng kabisera.

Layon ng mga hakbang na ito na magkaroon ng mas balanseng kaunlarang pang-ekonomiya at magbigay ng sapat na oportunidad sa mga Filipino nang hindi na kinakailangang lumuwas pa ng Maynila.

Habang patuloy na humaharap sa problema sa trapiko ang Metro Manila, binibigyang-diin ng TRABAHO Partylist ang kahalagahan ng pagsugpo sa ugat ng urban congestion sa pamamagitan ng estratehikong desentralisasyon ng ekonomiya at paglikha ng sustainable na trabaho sa mga probinsya.

About hataw tabloid

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …