SA kauna-unahang pagkakataon, ang electrifying WILD WILD After Party ay darating na sa Maynila. Kaya ihanda ang sarili para sa isang high energy concert ng isang all-male sexy group mula Korea.
Tiyak na ang musical experience na ito ay hindi lamang para sa mga babae bagkus para rin sa lahat ng gustong maranasan ang kasiyahan ng “WILD WILD” na mapapanood sa Mayo 24 sa The New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
Isang gabing punompuno ng energy, karisma, at Oppa Fever ang tiyak na magaganap.
Maging bahagi ng excitement sa pagtatanghal ng WILD WILD na nagde-debut sa Manila bilang bahagi ng kanilang electrifying Asia tour. Ihanda ang sarili na ma-engganyo sa isang nakabibighaning sayawan, atletisismo, at purong karisma ng mga miyembro ng naturang grupo.
Asahan ang isang karanasan na puno ng mga nakasisilaw na tanawin at raw intensity. Kaya huwag palampasin ang Manila premiere ng maiinit na kaganapang ito.
Ito ay may dalawang Exclusive Shows: Women-Only Show – Isang one-night-only para sa kababaihang nais na makasama ang iyong paboritong Oppas at ang All-Gender Show – na bukas para sa lahat na gustong manood.
Mabibilis ang tiket sa www.ticketnet.com.ph— Wild – PHP 8,500; Untamed – PHP 7,500; Intense – PHP 6,500; Electrify – PHP 5,500; at Modest – PHP 4,500.