Monday , April 28 2025

TRABAHO Partylist ibinida ng Team Aksyon at Malasakit sa Caloocan at Yorme’s Choice sa Maynila

ISANG buwan bago ang nakatakdang halalan, ibinida ng Team Aksyon at Malasakit at Yorme’s Choice ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa kani-kanilang mga baluwarte sa Kalookan at Maynila.

Itinaas ng buong Team Aksyon at Malasakit sa Distrito Uno Grand Rally sa Lungsod ng Kalookan ang mga kamay ni TRABAHO first nominee Atty. Johanne Bautista.

Kita sa live video na ang TRABAHO ang nag-iisang partylist na kasama sa entablado nina Cong. Oca Malapitan, Mayor Along Malapitan, Vice Mayor Karina Teh-Limsico, kasama ang mga tumatakbong konsehal na sina Marjorie Barretto, Leah Bacolod, Topet Adalem, Alex Caralde, Vince Hernandez, at Enteng Malapitan.

Sa Maynila naman, dinala ng Team Yorme’s Choice na pinangungunahan ng tambalang Isko Moreno at Chi Atienza si TRABAHO second nominee Ninai Chavez sa kanilang motorcade sa Distrito Uno sa Tondo, Maynila.

Samantala, si third nominee kagawad Nelson de Vega ay nag-ikot sa probinsiya ng Laguna upang ikalat ang kanilang mga isinusulong na reporma para sa mga manggagawa.

Batay sa tala ng COMELEC, may 2,045,068 rehistradong botante sa Laguna, 1,142,172 sa Maynila, at 765,249 naman sa Caloocan, mga binansagang vote-rich areas.

Para paigtingin ang kaalaman ng mga netizens kung paano makatutulong ang TRABAHO Partylist na mabago ang kanilang mga kapalaran, naglabas naman si celebrity advocate Melai Cantiveros-Francisco sa kanyang Facebook at Instagram Page na Melason ng makulit at informative reel na pinamagatang “Alagaan mo ang mga Maswerteng Numero na ito”.

Patuloy na nagpapapasalamat ang TRABAHO Partylist sa mga tagasuporta nitong tumutulong magbahay-bahay para ikampanya ang kanilang mga legislative agenda – kalidad na trabaho; patas na oportunidad; sapat na sahod; karagdagang benepisyo; at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.

About hataw tabloid

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …