Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress at beauty queen aspirant na si Binibining Dalia Varde Khattab, ang pambatong kandidata ng Las Pin̈as City sa 2025 Bb. Pilipinas, sa isinagawang courtesy visit nito upang pormal na kunin ang endoso para sa kanyang partisipasyon sa naturang beauty pageant.

Si Khattab ay naninirahan sa Las Piñas simula pa noong 2017, bitbit niya ang kanyang magandang pagkakakilanlan at kalipikasyon upang maging kinatawan ng lungsod sa nasabing kompetisyon.

Binigyang-diin ng kandidata ang kanyang personal at propesyonal na pag-unlad sa Las Piñas na ikinonsidera niyang kanyang tahanan at pundasyon ng paglalakbay bilang isang artista, estudyante, at negosyante.

Kasalukuyang sumasabak si Khattab sa masinsinang pagsasanay sa ilalim ng Philippine Beauty Camp Aces & Queens dala-dala ang mga pamumuhunan sa entertainment at business. Siya ay naging tampok na sa telebisyon at pelikula at founder ng isang international fashion pop-up brand na bumida na sa Tokyo, New York, at ibang malalaking lungsod.

Nagpasalamat ang alkalde sa pagbisita ni Khattab, sa hatid nitong inspirasyon at pag-asa upang bigyang karangalan ang Las Piñas.

Lubos na sinusuportahan ng Pamahalaang Lungsod si Khattab sa paghahanda nito sa pagsali sa isa sa mga pinakaprestihiyosong beauty pageants sa bansa. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …