Saturday , April 26 2025
FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement
MAKIKITA sa larawan ang masusugid na nagsusulong ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, (Mula kaliwa pakanan) Volt Claveria (NCR Cluster Head), Kag. Robert Alejandro (NCR Cluster Head), Ricky Mallari (Lead Convenor), Brian Poe Llamanzares (FPJ Panay Bayanihan Partylist’s First Nominee), Mabel Que (Pangasinan Provincial head), Sheena Prince (NCR Supporter), at Elmo Gellegani (NCR cluster Head).

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan ng isang masiglang kampanya ng pagpirma na naglalayong itaguyod ang adbokasiya ng yumaong Fernando Poe Jr. (FPJ) sa larangan ng pampublikong serbisyo.

Ang inisyatibo, na pinangungunahan ng Volunteer Poe Kami Movement, ay nakapagtala ng malaking tagumpay sa pangangalap ng lagda, kung saan higit 300,000 sa 500,000 na pirma ay mula sa masusugid na tagasuporta mula sa iba’t ibang komunidad.

Ang malawakang partisipasyon ay sumasaklaw sa mga pangunahing lungsod sa NCR, Lalawigan ng Rizal, Cavite lalo sa bayan ni FPJ sa ikatlong distrito ng Pangasinan, na nagpapakita ng matibay na ugnayan at dedikasyon sa kanyang pamana ng paglilingkod-bayan.

Ibinahagi ni Ricky Mallari ang kahalagahan ng makasaysayang hakbang na ito: “Kami po sa Volunteer Poe Kami Movement ay nagsimula noong 2003 noong tumakbo si Da King.” Binigyang-diin niya ang kanilang pangako, “Sinimulan po namin ang aming adbokasiya ng suporta sa FPJ Panday Bayanihan Partylist.”

Ayon sa kanya, nakakalap na sila ng mahigit 300,000 lagda, higit pa sa kinakailangang bilang, at nanawagan ng patuloy na suporta: “Wala pa po riyan ang mga supporter ng 2nd nominee mula Batangas at 3rd nominee mula Mindoro.”

Sa isang pagtitipon, personal na tinanggap ni Brian Poe, ang unang nominee ng FPJ Panday Bayanihan Partylist at apo ni Fernando Poe Jr., ang 300,000 lagda, pati na rin ang karagdagang 200,000 mula sa iba’t ibang grupo.

Ibinahagi niya ang walang kupas na pamana ng kanilang pamilya. Sa kanyang taos-pusong talumpati sa mga tagasuporta, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pakikiisa ng komunidad at ang kolektibong pag-aari ng partylist.

“Itong partylist na ito ay partylist natin. Dahil pumirma po kayo rito at tumulong po kayo sa pangangampanya para sa partylist, ito ay partylist n’yo. Ang gagawin po natin dito ay lahat ng kailangan ng mga kababayan natin, nagsimula po tayo sa consultation sa mga iba’t ibang sektor, nagtanong po tayo kung ano ‘yung mga pangangailangan ng taongbayan,” saad ni Mallari.

“Kung nagustohan n’yo po ang serbisyo ng pamilyang Poe, kung naniniwala po kayo na kailangan natin ituloy ang legasiya ni FPJ, iboto n’yo, tulungan n’yo po ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. At hindi ito tulad ng ibang partylist na bigla na lang nag-file, matagal nang tumutulong.

Libo-libo na po ang mga natulungan natin, 2013 pa lang noong nakaupo po si Senator Grace Poe, umiikot tayo at naghahatid ng tulong,” dagdag niya bilang pagpapakita ng kanilang patuloy na pagtulong sa masa.

“Ang trabaho ng isang Kongresista ay hindi lang maghatid ng tulong. Ang trabaho ng Kongresista ay magbalangkas ng mga batas na makatutulong po sa lahat ng mga kababayan natin. At ang maganda sa partylist, tulad ng mga signatures na ito na galing sa iba’t ibang panig ng bansa,” aniya pa.

Hindi lang tayo nakatutok sa isang distrito lamang, hindi tayo nakatutok sa isang munisipyo o city lamang. Ang partylist po ay nationwide ang sakop ng responsibilidad ng isang Kongresista na uupo at magrerepresenta ng isang partylist,” paliwanag niya, na binigyang-diin ang malawakang adbokasiya at tungkulin ng kinatawan ng isang partylist.

Bagama’t malalim ang ugat ng partylist sa Pangasinan, tiniyak ni Brian sa mga tagasuporta na ang kanilang misyon ay lagpas pa sa rehiyonal na hangganan, at patuloy na maglilingkod sa mga komunidad sa buong bansa.

Binigyang-diin niya ang pangakong maglingkod sa lahat ng Filipino, saan mang sulok ng bansa, sa paniniwalang ang positibong pagbabago ay makakamit sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagbibigay halaga sa pangangailangan ng bawat komunidad.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …