Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharmaine Arnaiz Kitkat

Mahal na araw kina Sharmaine at Kitkat paano ginugunita?

MA at PA
ni Rommel Placente

TUWING sumasapit ang Mahal Na Araw, ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang paraan kung paano isinasagawa/ ginugunita. ‘Yung iba ay nagbi-Visita Iglesia, may nagsasakripisyo sa hindi pagkain ng karne, may nagpapapako sa krus, may nagpipinitensiya, at iba pa.

Nag-chat ako sa award-winning actress na si Sharmaine Arnaiz at sa mahusay na komedyana at TV host na si Kitkat, kung paano nila isinasagawa ang Holy Week.

Narito ang kanilang kasagutan.

Ayon kay Sharmaine, “Holy week usually, nag-a-attend kami ng Pabasa sa fam ng inlaws ko sa Pasay. We do stations of the cross and Easter Mass sa Batangas, lalo kung nasa Anilao kami ng weekend. But maybe this Easter Sunday will be different, because 1st death anniversary ni Tita Bing (mother of Patrick Garcia, na pinsang buo ni Sharmaine). I’ll definitely want to be with my cousins that day.”

Sabi naman ni Kitkat, “Tuwing Mahal na Araw, simple pero makahulugan ang ginagawa naming mag-anak. Pinipili naming maging tahimik, mag-reflect, at magdasal bilang pasasalamat sa sakripisyo ni Hesus. Hindi kami nagkakakain ng karne tuwing Biyernes Santo, at nanonood kami ng mga palabas tungkol sa buhay at paghihirap ni Kristo, para mas lalong lumalim ang aming pananampalataya.

“Madalas din kaming magsindi ng kandila at magdasal bilang pamilya, lalo na tuwing gabi. Sa ganitong paraan, naipaliliwanag ko rin kay baby Uno, kahit paunti-unti pa lang ang naiintindihan niya, ang kahalagahan ng pagmamahal at sakripisyo.

“Ang Mahal na Araw para sa amin ay panahon ng pagninilay, paghilom, at pagpapasalamat.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …