PATULOY na umaangat ang FPJ Panday Bayanihan Partylist nang pumangatlo ito sa mataas batay sa pinakahuling survey na isinagawa ng WR Numero Research nitong 31 Marso – 7 Abril.
Lumilitaw sa survey ang pagkopo ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ng 4.7% sumunod Ang Tingog Partylist na 4.5%. Parehong may tiyak na dalawang puwesto sila sa Kongreso sakaling ginanap ang halalan sa saklaw ng petsa ng survey.
Ang kasunod nilang walong party-list, ay maaaring makakuha ng tig-isang puwesto sa Kamara na may 2% mula sa mga nilalayong boto, ipinakikita sa survey.
Sinabi ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist na patuloy silang magsisikap sa pangangampanya sa gitna ng mataas na survey ratings.
Ang patuloy na pagpapalakas ng partido ay bunga ng mithiin na paglingkuran ang sambayanang Filipino at pagtitiwala sa aming adbokasiya na Food, Progress at Justice para sa lahat,” dagdag niya.
Kasama ni Poe sa FPJ Panday Bayanihan partylist sina Mark Patron at Hiyas Dolor bilang pangalawa at pangatlong nominado nito, ayon sa pagkakasunod.
Ipinapalagay ng tagasuri, ang pagkakaroon ng mataas sa survey rating ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ay repleksiyon din sa aktuwal na pagdagsa ng mga tagasuporta sa mga isinagawa nitong motorcade campaign sa iba’t ibang pangunahing lungsod ng lalawigan.
Kasabay nito ang malalaking bilang ng mga dumadalo sa grand rally na isinagawa nila sa Pangasinan, Oriental Mindoro, Batangas, at Camarines Norte.
Tumatagos din ang adbokasiya ng FPJ Panday Bayanihan Partylist mula sa direktang konsultasyon sa mga batayang sektor gaya ng kabataan, kababaihan, maralita, mangingisda at manggagawa.
Magkatuwang nilang binuo ang paglikha ng bawat pangunahing kahilingan ng sektor at sa kabuuan ang People’s agenda na kapwa nila ihahain sa Kamara.