Friday , April 18 2025

P139-M basura scandal  
MALABON MAYOR, INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

041125 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SINAMPAHAN ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval kaugnay ng P139-milyong kontrata sa basura mula sa pribadong kompanyang hindi naman ginawa ang kanilang obligasyon.

Batay sa demanda ni Editha Nadarisay, residente ng Malabon, bago pa siya nagsampa ng kaso, siya at ang mga residente ay nagpada ng open letter kay Sandoval dahil sa pagtambak ng basura sa kanilang paligid sa matagal na panahon na naging sanhi ng pagkakasakit ng kanilang mga anak ngunit hindi inaksiyonan ng alkalde.

Sinabi ni Nadarisay at ng Alliance of Concerned Citizens of Santulan na naging pabaya ang garbage contractor ng alkalde na Metro Waste Solid Managament Group sa kanilang obligasyon dahil ang mga basura ay hindi naman hinahakot kaya maraming bangaw sa kanilang komunidad at nagkakasakit ang mga bata’t senior citizens.

Bukod sa maanomalyang kotrata, sinabi rin ng complainant na wala rin permit ang kontraktor mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na lalong naging kuwestiyonable ang kapasidad na gumanap sa kanilang tungkulin.

Ayon sa nagdemanda, mula nang maupo si Sandoval noong 2022 ay kinuha na nito ang serbisyo ng Metro Waste at muli pang nag-renew ng kontrata noong 2024 sa halagang mahigit P139 milyon ngunit wala namang naging pagbabago sa problema sa basura ng lungsod.

Matagal na umano silang nagrereklamo sa pagtambak ng basura sa bawat eskinita at mga kalsada ng Malabon subalit wala namang naging aksiyon ang City Environmental and Natural Resources Office (CENRO) ng Malabon na direktang nasa tanggapan ng alkalde.

Bukod sa hindi pagpapatupad ni Sandoval ng kalinisan para sa Malabon ay lumabag din sa Graft and Corrupt Practices Act base sa Republic Act 3019 at

Solid Waste Management Act of 2000 dahil sa halos sobrang pagbabayad sa kanilang pinagkatiwalaang kontraktor ng basura na wala namang naging serbisyo para sa mga mamamayan ng lungsod.

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …