Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Esquire Magazine

Daniel gusto nang magkapamilya; nag-eenjoy sa farm

MA at PA
ni Rommel Placente

HABANG hindi pa pumapasok ulit sa isang relasyon si Daniel Padilla, ang hit teleserye na Incognito, na isa siya sa mga bida ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sabi ni Daniel sa interview sa kanya ng Esquire Magazine, “Enjoy ako dahil I love what I’m doing now. Breath of fresh air talaga itong ginagawa kong ‘Incognito’. Before doing this, I was parang… nawalan na rin akong gana, eh. Lahat naman tayo sa trabaho natin, ‘di ba? We… burn out. Because of, you know, ulit-ulit. ‘Yan lang lagi ginagawa mo,” sey ni Daniel.

Dito sa Incognito na una niyang action serye, ginagampanan niya ang character ni Andres Malvar na isang dating scout ranger na dalubhasa sa CQC (Close Quarters Combat) at anti-guerilla warfare na tinanggal sa military service dahil sa kasong homicide.

Dagdag pa ni Daniel, “Suwerte rin ako na nabigay sa akin itong proyekto na ‘Incognito’. Breath of fresh air. Sarap niyong ginagawa ko ulit. Kaya after this, parang ang dami kong ideas sa mga next ko namang gagawin.”

Nakatutulong din sa kanya na umiwas sa ingay ng social media at ang mamundok sa Tanay, Rizal.

Namumundok kami roon. Iba sa realidad natin,” sey niya.

Enjoy na enjoy nga niya ang katahimikan ng nature kaya plano niyang magkaroon ng quiet at incognito life.

Bumalik sa nature kung saan simple ang mga bagay. Katahimikan, oras sa pamilya, para magdasal, oras para maglaro.

“Gusto ko lang mag-farm, may mga hayop na inaalagaan, may open space, maraming halaman, sariwang hangin,” aniya pa.

Enjoy rin siya sa pagiging ‘cool tito’ kay baby Claudio, na anak ng kanyang younger brother na si JC Padilla.

“’Yung bahay namin nag-iba kasi may baby na.

“Ngayon ko lang nakita ‘yung effect ng baby, lalo na sa mom ko. Jusko po, hindi na umaalis, hirap na hirap umalis, ayaw iwanan si Claudio!”

Dahil sa na-enjoy niya ang pagkakaroon ng baby ay dito na niya inamin na gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Wala na akong ibang pupuntahan pa. Gusto ko na rin buksan ‘yung chapter na ‘yon dahil minsan hinahanap na rin ang laman ko.

“Eventually, I am looking forward to having a family, ano pa ba ang gagawin ko, andoon na ako sa boundary?

“So pukpok muna sa trabaho, then eventually start a family.

“Wala na akong ibang pupuntahan. Most of my friends have families, nakikita ko na rin magkakalaro ang mga anak nila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …