HINDI ininda ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang halos 12 oras na biyahe upang tuparin ang pangako nitong babalikan ang mga residente ng Claveria, Cagayan noong 27 Marso 2025.
Ayon kay TRABAHO nominee kagawad Nelson B. de Vega, determinado ang kanilang grupo na dalhin ang kanilang mga reporma maging sa mga tinatawag na “far-flung areas” o mga liblib at malalayong probinsiya na may lumiliit na populasyon.
Sa kaso nga ng Claveria, Cagayan, mayroon lamang itong populasyon na 31,900 sang-ayon sa 2020 census. Nabatid rin ni De Vega, sa liit ng populasyon rito ay marami pang umaalis upang humanap ng trabaho sa ibang lugar.
“Napakasipag po ninyong mga Claveriano kaya’t isusulong po ng TRABAHO Partylist na mapataas natin ang deserve ninyong minimum wage,” pangako ng nominee.
“Tutulong din po ang TRABAHO na maparami pa ang mga trabaho po rito para hindi na mapapalayo pa ang inyong mga pamilya,” dagdag niya.
Inikot ng grupo ang palengke at mga TODA ng tricycle sa Claveria. Ikinatuwa nila ang kasipagan ng mga manggagawa rito, lalo ang mga senior citizen na pinipiling maghanapbuhay upang manatili silang malakas.
“Nakausap ko si lolo sa TODA ng tricycle. Sabi niya sa ‘kin, “agkakapsot nak nu madinak agtrabaho” [‘pag hindi ako nagtrabaho lalo akong manghihina],” pagbabahagi ni De Vega.
Nakausap din ng grupo sina mayora Lucille Angelus Guillen-Yapo, vice mayor Fredelino Agpuldo, Sangguniang Bayan members (SBM) Edson Paul Flores, Joshua Wangwang Salmon, Jojie Calasag, Blessette Vianney Pascua, at kagawad Constancia Rafol, at municipality tourism president Reyn Niduaza para sa maayos na koordinasyon sa nasabing pamayanan.
Bukod sa pagpaparami ng trabaho at pagpapataas ng sahod, isusulong ng TRABAHO ang abot-kayang internet access sa mga liblib na lugar gaya ng Claveria na magbibigay ng pagkakataon para sa mas maraming Filipino na maka-access ng mga materyal para sa online education at skills training, at remote working opportunities.