Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead Road Accident

Sa Sta. Mesa, Maynila
Truck tumagilid driver sugatan

SUGATAN ang driver ng isang truck na may kargang construction materials nang tumagilid sa Sta. Mesa, lungsod ng Maynila, nitong Sabado ng gabi, 22 Marso.

Nabatid na galing North Luzon Expressway Connector ang truck at tumagilid ito habang lumiliko pakanan sa Ramon Magsaysay Blvd., sa nasabing lugar.

Ayon kay kay Victor Baroga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office, hindi overloading ang sanhi ng insidente dahil maayos na nakatali ang mga kargang plywood sa truck.

Dagdag ni Baroga, may nakakitang mabilis ang takbo ng truck at hindi nakontrol ng driver ang kaniyang pagliko dahil sa bigat ng laman ng sasakyan.

Agad nagresponde ang MMDA at tinulungang makalabas ng truck ang driver at ang kaniyang pahinante.

Isinugod sa pagamutan ang driver na may sugat sa kaniyang hita at balikat, habang ligtas at walang galos ang pahinante.

Ayon sa pahinante, galing silang Bulacan at nawalan ng preno ang truck habang lumiliko sila.

Dinala ang truck sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) pasado 1:00 ng madaling araw para sa kaukulang dokumentasyon.

Iniimbestigahan ng MDTEU kung may pinsalang naidulot ang insidente upang matukoy ang kaukulang kasong isasampa laban sa driver.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …