
HATAW News Team
INIANUNSIYO ng ilang paaralan ang kanselasyon ng kanilang mga face-to-face classes ngayong Lunes, 24 Marso, dahil sa nakatakdang transport strike hanggang sa Miyerkoles, 26 Marso.
Ang mga sumusnod na paaralan ang nagdeklara ng suspensiyon ng onsite classes:
Adamson University; Arellano University; Asia Technological School of Science and Arts; Centro Escolar Integrated School (Manila); Colegio de San Juan de Letran; Far Eastern University (Manila and Makati campuses); La Consolacion College (Manila);
Malayan High School of Science; Manila Central University; Manila Tytana Colleges; Mapúa University (Intramuros and Makati campuses – Senior High School); Pamantasan ng Lungsod ng Maynila;
Philippine Normal University; Philippine Women’s University (Calamba); Polytechnic University of the Philippines; Rizal Technological University;
Technological Institute of the Philippines (Manila and Quezon City); University of Perpetual Help System (Laguna and Las Piñas); at University of Santo Tomas.
Samantala, sinuspinde rin ngayong Lunes ng pamahalaang lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan ang face-to-face classes ng parehong pampubliko at pribadong mga paaralan sa lahat ng antas.
Narito naman ang mga sumusunod na paaralan at mga pamantasan na nagsuspendi ang kanilang face-to-face classes mula Lunes hanggang Miyerkoles:
Cavite State University (main campus); De La Salle University (Manila and Laguna campuses); Manuel L. Quezon University; Philippine College of Criminology;
St. Louis Anne Colleges of San Pedro Laguna, Inc.; Trinity University of Asia; at University of the East.
Inorganisa ng transport group na Manibela ang tatlong-araw na transport strike upang iprotesta ang kaduda-duda at hindi nagtutugmang mga impormasyon kaugnay sa planong modernisasyon ng pampublikong transportasyon.