Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
P50-M puslit na vape products nasabat Sa pier ng Maynila
PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Bienvenido Rubio ang isinagawang media viewing sa mga nahuling hindi rehistradong produkto ng vape sa Warehouse 3, BoC Compound, South Harbor, Port of Manila. Nasabat ang dalawang container van na naglalaman ng kontrobando galing sa China, tinatayang aabot sa halagang P53.5 milyon. (BONG SON)

Sa pier ng Maynila
P50-M puslit na vape products nasabat

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) sa South Harbor, Port of Manila, ang hindi bababa sa P50-milyong halaga ng pinaniniwalaang smuggled na vape products.

Ayon kay BoC Commissioner Bievenido Rubio, dinala sa pantalan ang mga puslit na vape products na nakalagay sa dalawang container van noong 20 Enero mula sa China at dumaan sa eksaminasyon ng BoC nitong Lunes, 17 Marso.

Lumabas na mahigit 40,000 units ng vape na nakalagay sa higit 200 kahon ang laman ng mga container.

Dagdag ni Rubio, hindi dumaan sa tamang dokumentasyon ang mga produkto na maaaring hindi ligtas gamitin at nabatid na walang permit mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

Hindi humarap ang consignee at broker na nakapangalan sa mga kargamento kaya nagdesisyon ang BoC na buksan ang mga container na unang idineklarang naglalaman ng mga plastic ware.

Ani Rubio, maaaring sadyang hinaluan ng plastik ang kargamento upang maitago ang totoong laman nito at dahil hindi ito regulated, maaaring hindi pansinin at inspeksiyonin ng mga awtoridad.

Tiniyak ng BoC na masasampahan ng kaso ang mga nasa likod ng pagpuslit ng vape products.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …