Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ailleen Claire Olivarez Paulo Cornejo

Chief Political Officer ng kandidatong mayor tinangkang kidnapin, kumasa

NABIGO ang tatlong hindi kilalang lalaki na nagtangkang mangkidnap sa political officer ni Parañaque mayoral candidate Ailleen Claire Olivarez sa isang coffee shop sa nasabing lungsod nitong Sabado ng hapon, 15 Marso.

“Sa leon o sa tiger hindi ako natatakot, sa inyo pa?!”

Inihayag ito ni Paulo Cornejo para sa mga nagtangkang tangayin siya.

Sa salaysay ng political officer na si Cornejo, hinatak siya palabas ng coffee shop ng grupo ng kalalakihan habang nagmemeryenda sila ng kanyang mga kasama pero pumiglas siya.

“Mismong nakakita ‘yung attorney namin, na sabi nga niya ay attempted kidnapping,” ani Paulo.

Dahil sa nangyari ay agad nagpa-blotter si Cornejo, habang ang kanilang abogado ay nakatakdang magbigay ng sariling sinumpaang salaysay sa pulisya.

Pupuntahan ng pulisya ang coffee shop na pinangyarihan ng insidenteng iniulat sa police investigator upang suriing mabuti ang CCTV camera, at kumuha ng salaysay ng mga taong naroon.

Sinabi ni Cornejo, wala siyang alam na personal na kagalit o kaaway na posibleng gagawa noon sa kanya.

Mas kombinsido ang political officer na mayroong motibong politikal dahil sa pagsuporta niya kay mayoral candidate Ailleen Claire Olivarez, mas kilala bilang ACO, ang dinanas niya.

“Manigas sila! Hindi ako natatakot sa kanila. Mas lalo naming pag-iigihan, baka akala nila matatakot kami at aatras kami,” ani Cornejo. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …