NASAMSAM ng mga awtoridad ang hihit sa P2-milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaking nakatalang high-value individual sa ikinasang buybust operation sa lungsod ng Caloocan nitong Lunes, 24 Pebrero.
Kinilala ng Caloocan CPS ang suspek na si alyas Boss, 54 anyos, residente sa Brgy. 176, Bagong Silang, sa nabanggit na lungsod.
Isinagawa ang buybust operation ng mga tauhan ng Caloocan CPS at Northern Police District – Drug Enforcement Unit (NPD-DEU) dakong 4:27 ng madaling araw kahapon sa Phase 3, Package 2, Lot 1 Block 52, sa naturang barangay.
Narekober ng mga awtoridad ang 320 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2,176,000, isang itim na sling bag, at buybust money.
Kahaharapin ng suspek ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com