Saturday , March 29 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

Trabaho lang ang lahat…

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MATAPANG, walang kinakatakutan, at palaban, iyan ang sinasabing ilan lamang sa katangian mayroon si PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief, Police Major General Nicolas Torre III.

Nagsimula ang lahat, lalo ang paghanga kay Gen. Torre nang masaksihan ng Filipinas kung paano napasuko ng Heneral ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quibuloy.

Hindi lang ang pagpapasuko ang hinangaan sa opisyal kung hindi maging ang ipinamalas na dedikasyon sa Saligang Batas at sa bayan. Partikular na pinuri kay Gen. Torre, bilang heneral at regional director ay ang pinangunahan ang operasyon.

Hindi siya palautos at sa halip, nangunguna mismo ang opisyal sa operasyon na siyang nagpapataas ng moral ng kanyang mga tauhan. Hanggang magtagumpay ang operasyon laban kay Quibuloy, hindi iniwan ni Gen. Torre ang kanyang mga opisyal at tauhan sa ‘war zone’.

Pero kung susuriin, hindi tapang at hindi sa walang kinakatakutan si Gen. Torre ang ipinamalas sa Filipino kung hindi trabaho lang ang lahat sa kanya — tulad ng kanyang sinumpaang tungkulin na paglilingkuran ang bayan nang pasukin ang larangan ng paglilingkod sa bayan bilang isang pulis.

Katunayan, hindi lang ngayon nangyari ang lahat ng nasasaksihang dedikasyon sa trabaho ni Gen. Torre kung hindi noon pa man — iyan na siya. Hindi lang kasi alam ng nakararami kung paano magtrabaho ang opisyal.

Ngayon ang pinag-uusapan naman ay patungkol sa opisyal —  ang kanyang katapangan (ulit) — ito ay nang kasuhan niya si dating Pangulong Digong Duterte sa pagbabanta sa buhay ng 15 incumbent senators — ang pagpatay sa mga mambabatas.

Nakita ni Gen. Torre na hindi delikado ang banta kaya sinampahan niya ng kasong inciting to sedition at unlawful utterances ang dating pangulo. Bagamat, sinabi naman ni Duterte na biro lang ang lahat.

Katuwiran ni Torre… “Alam n’yo bagong Filipinas na, e. Hindi na puwede ‘yung mga gano’ng statements na kinabukasan joke only na lang.” Hindi magandang magbitiw ng salita na kalaunan ay sasabihing “biro” lamang.

Ang punto pa ni Torre, maaaring seryosohin ng  mga tagasuporta ng dating Pangulo ang kanyang sinabi tulad na rin ng kanyang deklarasyon sa war on drugs.

“Nangyari na ‘yan e, ‘di ba? Sabi niya pagpapatayin ang mga — ‘di ba? Pagpapatayin ang mga adik. Nangyari nga. Marami ngang napatay,” ani Torre.

Ang pagsasampa ng kaso ni Torre laban sa dating Pangulo ay bilang CIDG director, Filipino citizen, at bilang isang pulis. Kasabay din ng pagtanggi na mayroon siyang  political motive — labas dito ang politika.

Inilinaw din ng opisyal na ang kanyang hakbangin ay personal at walang basbas ng Malakanyang. Aniya pa, bagama’t itinuring ng ilan na biro lang ang sinabi ni Digong, posible kasing makahikayat ito ng negatibong aksiyon mula sa kaniyang mga tagasuporta.

Kung susuriin din ang hakbangin ni Torre, wala itong ipinagkaiba sa mga nagbabanta o nagbibirong mayroon silang dalang pampasabog o bomba. Inaaresto at kinakasuhan ang nagsasabi ng mga ganito.

Hindi katapangan, hindi sa palaban o ano pa man, ang ipinaiiral ni Torre sa kanyang naging hakbangin laban kay Digong o maging sa mga accomplishment nito kung hindi dedikasyon sa trabaho bilang isang alagad ng batas.

About hataw tabloid

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Totoo kaya ang sumbong?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MASAMANG-MASAMA ang loob ni Parañaque mayoralty candidate Aileen Olivarez …

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Sipat Mat Vicencio

Si Bong Go ang lulusot na kandidato ni Digong?

SIPATni Mat Vicencio MALIBAN kay Senator Bong Go, ang walong natitirang senatorial candidates ni dating …

Firing Line Robert Roque

Problema sa disenyo o kinulimbat na pondo?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ILANG araw makalipas ang hindi kapani-paniwalang insidente — ang …