Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yayo Aguila Baron Geisler

Yayo napatawad na si Baron — Pero ayoko siya makatrabaho

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPATAWAD na raw ni Yayo Aguila si Baron Geisler matapos mag-sorry sa kanya ng personal.

Sa guesting ni Yayo sa talk show na Lutong Bahay ng GTV hosted by Mikee Quintos at Chef Hazelnatanong siya tungkol sa naging isyu sa kanila ni Baron ilang taon na ang nakararaan.

Ayon sa aktres, napatawad niya na si Baron.

Oo naman (napatawad na). Nagkita na kami, years ago sa isang event ng showbiz, wala akong choice, nagkasalubong kami. Tapos binati niya ako, nag-sorry naman siya, nag-sorry siya sa ‘kin,” pahayag ni Yayo.

Patuloy niya, “Malaking bagay ‘yung it takes guts para makapag-sorry ka. Feeling ko naman sincere siya,” 

Hinatulan ng guilty noong 2013, ng Makati Municipal Trial Court Branch 61 si Baron  sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng anak nina Yayo at Willian Martinez na si Patrizha Martinez.

Pinatawan ni Judge Aleli Briones ng parusang pagkakulong ng minimum of six months at maximum of two years ang aktor. Bukod dito, pinagbayad din siya ng moral damages ng P30,000.

Taong 2008 nang sampahan ng kaso ni Patrizha si Baron dahil sa panghihipo nito sa kanya habang nasa isang bar sila sa Makati City.

Kuwento pa ni Yayo, sinabi niya sa anak na humingi sa kanya ng sorry si Baron nang magkita sila.

Ayoko siyang i-judge pero ‘yung nag-sorry siya sa ‘kin, sinabi ko ‘yun sa daughter ko.

“Actually, ‘yung anak ko, sabi niya, ‘Ma, napatawad ko naman siya eh, pero hindi ko makakalimutan ‘yung ginawa niya.’ Ganoon din ‘yung stand ko.

“Napatawad naman na namin siya pero ayoko siya makatrabaho, ‘yung ganoon,” ayon pa kay Yayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …