Friday , May 16 2025
Jeannie Sandoval Malabon

Malabon Mayor Jeannie Sandoval nanguna sa “voter preference” sa  isinagawang survey

NANGUNA si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa ibobotong mayoral candidate ng mga Malabueño, batay sa isinagawang komprehensibong survey ng Capstone Intel Corporation.

Si Sandoval ay nakakuha ng 60% voter preference habang ang katunggali sa mayoral race na si Jaye Noel ay 28%.

Ayon kay UP Professor Guido David, Chief Data Scientist ng Capstone, isang kilalang research company, ang voter confidence na nakuha ni Sandoval ay sumasalamin sa kanyang naging magandang pamamalakad.

Ipinaliwanag ni David na 91% ng mga respondents sa isinagawang survey ay pawang bumoto noong nakaraang eleksiyon kaya naman ang kanilang intensiyon na iboto muli si Sandoval ay pagpapakita ng pagiging epektibo sa kanyang tanggapan.

“When voters believe in a candidate’s ability to serve, their engagement and decisions at the polls can significantly shape the election’s direction,” pahayag ni David.

“It is clear that their willingness to support Sandoval again reflects their satisfaction with her performance. This highlights how past governance significantly influences future electoral decisions, as constituents tend to favor candidates who have proven their reliability and effectiveness in office,” dagdag nito.

Sinabi ni Capstone Intel Research and Publications Director Ella Kristina Domingo na ang survey ay isinagawa nitong 22-26 Enero 2025, sa 1,200 participants na nasa pagitan ng edad 18 hanggang 55 anyos, karamihan ay may asawa.

Nasa 16.90% ng mga respondents ay 16 hanggang 20 taon nang naninirahan sa Malabon; 14% residente nang 21 hanggang 25 taon;  13.50%  ay 26 hanggang 30 taon, may grupo na 6 hanggang 10 taon, at may 46 taon pataas nang residente sa lungsod.

Nang tanungin sa survey kung pamilyar kay Sandoval, 93% ang nagsabi na kilala nila habang 51% ang familiarity rating ni Noel sa mga residente.

Nasa 67.30% ang nagsabi na iboboto nila si Sandoval dahil “naniniwala sa kanyang adbokasiya”, nasa 55.90% ang nagsabi na “madaling lapitan” at 55.40% ang “patunay ng kakayahang maglingkod”.

Umabot sa 43.40% ang nagsabing kinilala nila ang  “konkretong aksiyon sa mga nangangailangan”, 37.60% “magandang track record” at  29.80% “walang bahid ng korupsiyon”.

Kung ano ang “qualities” na hinahanap ng mga botante, 79.60% ang nagsabi na “nakapagpapatupad ng mga programa at serbisyo” at 51.80% “may karanasan sa pamumuno at marunong rumespeto”.

Sinuri rin sa naturang survey ang “satisfaction” sa government  services sa Malabon, nasa  45.80% ng mga  respondents ang nagsabi na “very satisfied” habang nasa 2.80% lamang ang “very dissatisfied.”

“Respondents specifically acknowledged the effectiveness of key services, such as medical assistance and health services, financial assistance/ayuda, educational assistance; disaster relief, emergency response, job assistance and livelihood opportunities, assistance to seniors, community programs and activities and security and peacekeeping efforts,” nakasaad sa survey report.

Ipinaliwag ni Domingo na kung pagbabasehan ang nakalap na polling data ay nagpapakita na nakita at naramdaman ng mga respondents ang mga naging pagbabago partikular sa edukasyon, paglago ng ekonomiya, at public safety na siyang nakadagdag sa  positibong kinabukasan para sa Malabon.

About hataw tabloid

Check Also

Matansero timbog sa P136-k shabu sa Calamba Laguna

Matansero timbog sa P136-k shabu

CAMP BGEN PACIANO RIZAL – TIMBOG ang isang matansero nang mahulihan ng P136,000 halaga ng …

cal 38 revolver gun Shabu Drugs

Pulis tinangkang barilin tulak arestado

ARESTADO ang isang kilalang personalidad sa ilegal na droga nang tangkaing barilin ang mga nagrespondeng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Arrest Shabu

Tandem sa ilegal na droga
KOREAN AT CHINESE NATIONALS NASAKOTE

DALAWANG dayuhan na itinuturing na high-value individuals (HVIs) ang naaresto sa ikinasang anti-illegal drug operation …

Daniel Fernando Alexis Castro

Wagi sa landslide victory  
FERNANDO, CASTRO NAIPROKLAMA NA

OPISYAL nang iprinoklama sina kasalukuyang Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro …