Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
marijuana

2.25 kilo ng damo kompiskado, 2 suspek nakasibat

TINATAYANG mahigit sa dalawang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakompiska ng mga awtoridad sa isang operasyon na isinagawa sa Purok 1, Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna, kahapon ng 1:15 madaling araw, 12 Pebrero.

         Sa ulat ng Los Baños Municipal Police Station (MPS), nagsagawa sila ng operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakakompiska ng mga nasabing ebidensiya.

Ngunit sa gitna ng operasyon, naramdaman ng mga suspek na nakikipag-deal sila sa isang pulis, kaya agad bumunot ng baril at nagpaputok laban sa operating team, saka tumakas patungo sa Rockville Subdivision, Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna, kung saan iniwan nila ang sasakyan (van) na kanilang minamaneho kasama ang mga ebidensiya habang tinatakasan ang pag-aresto.

Nakuha ang dalawang piraso ng selyadong malinaw na plastic bag na naglalaman ng hinihinalang marijuana, may timbang na dalawang kilo at may karaniwang halaga ng droga na P240,000; apat na piraso ng medium sealed transparent plastic sachets ng pinaghihinalaang marijuana, tinatayang 250 gramo, at may standard na presyo ng droga na P30,000; isang puting Toyota Hi-Ace van, may plakang NAR-6300;  isang Caliber .38 pistola, isang fired cartridge sa loob; limang piraso ng bala ng Caliber .38; at isang pulang backpack.

Habang ang mga suspek na sina alyas Nixie, babae, nasa wastong gulang, residente sa Brgy. Calo, Bay, Laguna at isang John Doe ay kapwa nakatakas.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operations para sa ikadarakip ng dalawang suspek. Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Seksiyon 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act 0f 2002) at RA 10591 kaugnay ng Omnibus Election Code  

(BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …