Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PM Vargas

Breast Cancer Center sa QC iminungkahi ng kongresista

SA PAGGUNITA ng World Cancer Day iminungkahi ni Quezon City District V Rep. PM Vargas ang agarang pag aproba ng Mammography and Breast Cancer Center sa  Novaliches, Quezon City.

Ang panukala Numero 3500 na tinawag na “An Act Establishing a Mammography and Breast Cancer Center in Novaliches” ay naglalayong magbigay ng madali at abot-kayang  “breast cancer screening, diagnosis, and, treatment services for women” sa Lungsod Quezon at karatig na mga lugar.

“Breast cancer remains the most common cancer among Filipinas with thousands of new cases detected annually. Through this bill, we aim to bring essential breast cancer services, through early detection and proper treatment, particularly in District V, where access to specialized health care remains a challenge,” ayon kay Vargas.

Ang Mammography at Breast Cancer Center ay magkakaroon ng “state-of-the-art facilities” para sa “breast cancer screening, early diagnosis, and patient support programs.”

Ani Vargas, magbibigay subsidiya ang Cancer Center sa Mammography ng mahihirap na pasyente.

Nanawagan si Vargas sa kapwa mambabatas na suportahan ang pagpasa ng panukalang ito na kasalukuyang nasa Committee on Health.

Ang laban sa cancer ay malapit kay Vargas at sa kanyang kapatid na si dating kongresista na ngayon ay Konsehal Alfred Vargas, dahil sa pagkamatay ng nanay nila sa cancer.

Si Konsehal Alfred Vargas ay isa sa mga awtor ng Republic Act 11215 na tinawag na National Integrated Cancer Care Act.

“Having experienced it firsthand, we understand the emotional, physical, and financial toll that the disease takes in every affected family. As lawmakers, we are in a vantage point where we can champion stronger policies that ease the struggles of cancer patients and their loved ones,” ayon kay Vargas.

Base sa rekord ng World Health Organization, noong 2022, ang Filipinas as isa sa may pinakamataas na bilang ng breast cancer sa Asya at pangatlo ang cancer sa sanhi ng kamatayan sa bansa.

Ang World Cancer Day ay ginaganap tuwing 4 Pebrero para pukawin ang kamulatan ng taongbayan tungkol sa cancer at hikayatin sila na gumawa ng hakbang upang puksain ito. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …