Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Pilot

Xian Lim licensed private pilot na

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI lang artista, singer, scriptwiter, at direktor, kundi isa na ring licensed private pilot si Xian Lim.

Apat na buwan matapos siyang mag-enroll sa isang aviation school noong Setyembre, 2024, nagtapos na ang binata sa pagka-piloto.

Ito ang ibinalita niya sa kanyang social media account.

Post ni Xian, “It’s official! PRIVATE PILOT. Still in the clouds from everything that happened. Thank you to my @topfliteacademy family here in Subic for making this journey an extra special one! Thank you capt. @chiclet.pecson for all the patience! More flights, more aerodromes, and more and more cross country flights to come! As always, maraming salamat Capt. @sahl.onglatco for the trust and for always providing your students with inspiration. To my check ride pilot, Capt. Villarin, what an unforgettable experience in the sky.  Next up, CPL!HAPPY CHINESE NEW YEAR everyone!”

Nasubaybayan ng publiko, lalo na ng kanyang mga tagahanga, ang mga paglalakbay ni Xian bilang piloto dahil hindi siya naging maramot sa pagbabahagi ng mga larawan at video ng kanyang pilot training.

Bilang private pilot, tatlong beses sa isang araw ang biyahe ni Xian sa iba’t ibang mga lugar.

Siguradong proud na proud kay Xian ang kanyang magandang ina na si mommy Mary Anne at ang kanyang mga nagmamahal na tagahanga, sa bagong milestones na ito sa kanyang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …