MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang maluha nina daddy Boyet at mommy Dencie Zaplan sa graduation party ng kanilang anak na si Janah na gumradweyt na Cum Laude sa pagka-piloto sa Air Link International Aviation College (ALIAC).
Ang plano kasi nila ay sorpresahin si Janah sa ibibigay nilang graduation party, pero sila ang nasorpresa ng kanyang asawa dahil sinabi sa kanila ng anak na ga-graduate iyon na cum laude.
“Sosorpresahin sana namin si Janah sa party na ito, pero kami ang nasorpresa niya kasi cum laude!” naiiyak na pahayag ni dadddy Boyet.
Na sinundan naman ni Mommy Dencie ng mensaheng, “We are so grateful na na-blessed si Janah ng talent na ‘di naman basta talent dahil mahirap sa isang tao ang magpalipad ng eroplano.
“And we are so grateful na na blessed siya ng ganoong talent. Salamat sa inyong lahat na nandito ngayong gabi para maki-celebrate sa graduation party niya.
“Hindi niya alam ‘yung party na ito, isu-sorpresa namin siya, pero kami pala ang masu-surprised dahil hindi niya talaga sinabi sa amin na cum laude siya.
“Ngayon ko lang nalaman na siya ay cum laude, we’re proud of her,” anang ama ng dalaga.
Nagbigay din si Mommy Dencie ng payo kay Janah.
“Janah kahit ano man ang marating mo lagi ka magpapasalamat sa Diyos and stay humble, obedient at ipagpatuloy mo ang pagiging mabuting anak. Maging blessing ka sa lahat ng tao, lalo na sa Panginoon na nagbigay sa atin ng lahat ng ito. Wala tayo rito ngayon kung wala ang Panginoon,” pagtatapos ni mommy Dencie.
Ilan sa dumalo at nakisaya sa party sina Froi at Pewee ng Jeremiah, Supremo ng Dance Floor Klinton Start, Richard Merck at marami pang iba.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com