Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cassy Legaspi

Cassy na-diagnose ng hypothyroidism

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Cassy Legaspi sa Kapuso Artistambayan, kasama ang kakambal na si Mavy, inamin niya na na-diagnose siya ng hypothyroidism.

“I was fatigued, tapos intense falling hair. Sobra talaga! Tapos palagi akong nilalamig, parang may fever ako palagi, pero fever na nilalamig, parang ganoon,” sabi ni Cassy

Hindi rin niya maipaliwanag ang nararamdaman niya at palagi na lamang siyang maysakit.

“Hindi ko ma-explain, but I was always sick tapos, hindi ko na kaya mag-gym, mag-workout, at hindi na ako madaldal… Who is Cassy without being madaldal?”

Ngunit sa halip na ma-down ay tila nagkaroon pa si Cassy ng bagong mindset para sa kanyang fitness journey.

“Iyong friends ko and my family, napapansin nila, parang medyo tumamlay ako. So noong nagpa-check-up ako, I started thinking na, ‘Okay, I think ‘yung goal ko is, ayaw ko nang… gusto ko magpapayat, ganoon. I think my new goal is to be healthy.

“Eh noong na-change ‘yung mindset ko na gusto kong maging healthy, aba! Pak! Ganoon pala ‘yun, guys. Ganoon pala ‘yun. All this time,” kuwento pa ni Cassy.

At dahil doon, sinabi ng aktres sa sarili na hindi na niya goal ang pumayat bagkus ang maging malusog at malakas ang pangangatawan.

“Sabi ko talaga, ‘Alam mo, at this point, Cassandra, ‘wag ka nang magpapayat, maging healthy ka muna. Pagkatapos ng healthy, doon ka na maging sexy. Parang ganoon, may abs!’” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …