Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun poinnt

Nagpanggap na kawani ng Kapitolyo
3 LALAKI NANLOOB SA LAGUNA P10-M PLUS ALAHAS, GADGETS, CASH NILIMAS SA 2 RESIDENTE 

NINANAKAWAN ng tatlong lalaking nagpakilalang empleyado ng provincial government ng Laguna ang isang bahay at tinangay ang ilang personal na gamit kabilang ang mga alahas na nagkakahalaga ng P10 milyon sa Brgy. Caingin, lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Laguna, nitong Lunes ng umaga, 20 Enero.

Kinilala ang mga biktimang sina Shiela, 36, at Johcel, 27, kapwa self- employed, na nagsumbong sa mga awtoridad na tatlong hindi kilalang lalaki ang nagpanggap na mga empleyado ng kapitolyo ang dumating sa kanilang bahay para sa census survey dakong 11:50 ng umaga kamakalawa.

Nang papasukin ang mga suspek, nagdeklara sila ng holdap at tinutukan ng baril ang mga biktima saka sinamsam ang kanilang mga gamit.

Tumakas ang mga suspek dala ang kanilang mga ninakaw patungo sa direksiyon ng Brgy. Malusak, sa parehong lungsod.

Ayon sa mga biktima, nakuha mula sa kanila ng mga suspek ang 20 piraso ng sari-saring alahas na nagkakahalaga ng P10,000,000; tatlong iPhone 16 Promax na nagkakahalaga ng P276,000; dalawang iPhone 13 na nagkakahalaga ng P70,000; isang iPhone 11 Promax na nagkakahalaga ng P15,000; tatlong iPad na nagkakahalaga ng P210,000; isang Samsung cellphone na nagkakahalaga ng P12,000; at cash na P10,000.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matunton at madakip ang mga tumakas na suspek. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …