Thursday , January 16 2025

Apo sa pamangkin minolestiya lalaki kinulata bago arestohin

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 43-anyos na lalaki dahil sa alegasyong panggagahasa sa 4-anyos na anak ng kaniyang pamangkin sa Baseco Compound, lungsod ng Maynila, nitong Lunes, 13 Enero.

Ayon kay Baseco Police Station commander P/Lt. Col. Emmanuel Gomez, noong 3 Enero unang nagkaroon ng hinala ang magulang ng biktima na may hindi magandang nangyaring sa kanilang anak.

Ani Gomez, nagsumbong ang biktima sa kaniyang magulang at itinuturo ang maselang bahagi ng kaniyang katawan at sinabing hindi masakit kahit hawakan na siyang ikinagulat ng mga magulang dahil binilin nila sa anak na huwag itong ipahahawak kahit kanino.

Nakompirma ng mga magulang ng biktima ang panggagahasa nang sumunod na araw nang komprontahin ang suspek na sinagot lang silang hindi na niya uulitin.

Agad nilang dinala sa pagamutan ang kanilang anak saka isinumbong sa pulisya ang insidente.

Samantala, pinagbubugbog ng kaibigan at kinakasama ng ina ng biktima ang suspek sa kaniyang bahay, kaya naospital muna ng siyam na araw bago dinala sa kustodiya ng Baseco Police Station nitong Lunes.

Pinasinungalingan ng suspek ang bintang sa kaniya at iginiit na nakikilaba lang siya sa bahay ng biktima noong araw na bumisita siya.

Nagpaalala si Gomez sa mga magulang na laging bantayan ang mga anak at maging alerto sa mga senyales ng pang-aabuso.

“Huwag po natin ipagkatiwala talaga mga anak natin, kasi marami na po talagang kaso dito sa area natin, naa-abuse po because of too much trust and confidence po. It’s either po sa kapamilya, o sa mga kaibigan. So sana ho maging warning and reminder po,” aniya.

Dagdag ni Gomez, bukas ang lahat ng mga himpilan ng pulisya para sa mga biktima ng pang-aabuso.

About hataw tabloid

Check Also

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …

389-metrong drainage system sa Panasahan, Malolos City inaasahang tugon vs baha

389-metrong drainage system sa Panasahan, Malolos City inaasahang tugon vs baha

BILANG pagtupad sa kanilang pangakong pagpapabuti ng mga impraestruktura at disaster resilience, pinasinayaan ng Pamahalaang …

Sa Eastern Samar
Pari patay sa banggaan ng motorsiklo, SUV

BINAWIAN ng buhay ang isang pari sa insidente ng banggaan ng isang motorsiklo at sports …