Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Santos

Gerald fresh pa rin ang trauma kahit 19 taong nanahimik

RATED R
ni Rommel Gonzales

ILULUNSAD sa Courage concert ni Gerald Santos ang advocacy niyang Courage Movement.

Layunin nito na makatulong sa mga biktima ng sexual abuse at harassment. 

Ang Courage Concert ay gaganapin sa SM North EDSA Skydome sa January 24 na isa sa mga special guest ay si Sheryn Regis.

Available ang tickets sa Smtickets.com o sa link na ito-

https://smtickets.com/events/view/14061.

We’re planning na magkaroon ng mga therapy na mga session for the victims,” ani Gerald.

Or legal assistance. Basta, kung ano ‘yung maitutulong namin… we will do that for the victims.

“At in my own small way, para makatulong din ako sa victims like me.”

Last year ay buong tapang na isiniwalat ni Gerald na siya ay biktima ng pang-aabusong sekswal at ang akusado umano ay ang musical director na si Danny Tan.

Labingsiyam na taong nanahimik si Gerald bago nagkalakas ng loob na isiwalat ang masakit na sinapit niya.

There’s a time for everything,,” bulalas ni Gerald.

Tapos iyon nga, kasi I’m the breadwinner of the family so parang naging, imbes na mag-focus ako roon [sa traumatic experience] parang sabi ko, kailangan kong kumayod na lang for my family.

“So naging busy ako about life, in-overcome ko, napilit ko siyang ma-overcome.

“And then nitong lumabas ‘yung isyu na iyon nagulat ako na somehow fresh pa rin siya.

“Nandoon pa rin iyong sugat, siyempre nandoon pa rin. 

“Kasi never namang nagkaroon ng closure.”

Kung sakaling makakaharap niya si Danny, may itatanong ba siya rito?

Wala naman akong itatanong sa kanya.

“Baste ang masasabi ko lang ayun, walang lihim na ‘di mabubunyag. Kahit gaano katagal, biruin mo ‘yun, 19 years lumabas pa rin so hindi siya makakawala sa katotohanan, sa hustisya.

“Darating talaga ‘yung hustisya sa bawat isa.”

Samantala nito lamang Enero 10 ay ini-release ang latest single ni Gerald na pinamagatang Hubad sa lahat ng digital music platforms.

Ibang tunog o ibang Gerald Santos bilang singer ang maririnig sa Hubad.

Ang Hubad ay composed ni Feb Cabahug.

May bago ring pelikula si Gerald, ang Ayaw Matulog Ng Gabi na ang scriptwriter at direktor ay ang NBI agent na si Ronald Sanchez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …