Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofronio Vasquez BBM Bongbong Marcos

The  Voice US Champ Sofronio Vasquez III pinahanga si PBBM

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPABALIB ng The Voice USA Season 26 champion na si Sofronio Vasquez III ang Pangulong Bongbong Marcos nang awitan ito at ang Unang Ginang kasama ang iba pa nang mag-courtesy call noong Miyerkoles, Enero 8, 2025.

Kinanta ni Sofronio ang isa sa paboritong awitin ng Pangulo, ang  Imagine ng Beatles at ang kanyang winning song sa The Voice USA Season 26, A Million Dreams na pagkatapos kumanta ay tumayo ang Pangulo at pumalakpak.

“Pinasikat mo na naman ang Filipino. Sikat na naman tayo dahil sa ginawa mo,” pahayag ni Marcos.

Si Sofronio  ang kauna-unahang Filipino at Asyano na nanalo sa prestihiyosong singing contest sa Estados Unidos.

Siya ay bahagi ng Team Bublé, na minentor ng sikat na Canadian singer/songwriter na si Michael Bublé.

Bukod sa titulong The Voice USA Season 26 grand champion, nakapag uwi si Sofronio ng $100,000 cash prize, at record deal mula sa Universal Music Group.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …