RATED R
ni Rommel Gonzales
TAONG 2022 nagsimula ang Belleza Institute ng mag-inang Cristina at Dana Decena.
“Bale aesthetic medicine po kami rito. We concentrate on sa mga pampa-beauty, non-surgical ‘yung approach but also at the same time we offer ‘yung naturopathic din na mga treatment,” umpisang pahayag ni Dana.
“Because nga po holistic ‘yung approach namin more on we offer advise on lifestyle changes. We also can recommend mga supplement na over-the-counter.
“So talagang it’s about healing of the entire person.”
At dahil palaging isyu ang tungkol sa herbal medicines at aesthetic procedures, may paliwanag si Dana tungkol dito.
“It’s really not for everyone po,” pakli ni Dana. “Siyempre mayroon naman talagang mga sakit or mayroong mga karamdaman na talagang kailangan mo na for that is doktor talaga.
“But for the people na kailangan lang nila ng guidance on how to stay healthy or mayroon akong mga nararamdaman but paano ko ba ito maa-address in a way na hindi pa kasi ako ready mag-synthetic, ayoko naman din ng approach na aggressive agad or… ang naturopathic po kasi naimbento para sa mga taong hindi afford magpagamot.
“So for now ‘yung mga ginagawa rin po namin is we go to barangays and then we just give them advise na bawas-bawasan ang bisyo, dapat by 11:00 p.m. dapat tulog na para ‘yung cells mo nagre-regenerate, drink eight glasses of water a day, that’s the minimum.
“So talagang it’s also a form of education kung ano po ba ‘yung healthy lifestyle for everyone.
“Ang dali naman isipin na ang dali namang i-Google, pero at the same time not everyone has access to the internet.
“So really we focus on giving advise and it’s up to the person naman kung gusto nilang i-apply sa sarili nila,” sinabi pa ni Dana.
Ang clinic na Bellezza Institute na matatagpuan sa Ortigas Center (17D Belvedere Tower, San Miguel Ave., Pasig City). Pag-aari ito ni Cristina na si Dana, kilalang beauty influencer at eksperto sa larangan ng Permanent Makeup (PMU) ang tumatayong Chief of Operations (COO) at Creative Director.