MA at PA
ni Rommel Placente
PUMALAG at hindi nagustuhan ni John Estrada ang kumakalat na isyu sa social media na nag-uugnay sa kanila ng aktres si Barbie Imperial.
Nag-post ang aktor sa kanyang social media account at nilagyan niya ng malaking “fake news” ang screenshot ng balitang may something sa kanila ng rumored girlfriend ni
Richard Gutierrez.
Hindi raw niya alam kung paano ito nagsimula at kung kanino nanggaling.
Esplika niya sa caption, hindi niya kilala ng personal si Barbie pero kilala niya ito bilang artista.
Sa buhay niya ay minsan lang niya ito nakita, at ‘yun ay sa Christmas Special ng ABS-CBN noong 2021 o 2022 at iyon na ang huli nilang pagkikita sa naaalala niya.
True naman na nagkasama sila sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin na FPJ’s Batang Quiapo pero ni minsan ay hindi sila nagkita dahil iba ang grupo, unit, at director nito.
Kaya mensahe niya sa mga mahilig magkalat ng fake news, puwede na itong maging komedyante.
Nagbigay din siya ng mensahe sa mga online newspaper, tabloid o showbiz sites na sana ay mag-research muna at siguruhing tama ang ibabalita.
May mga tsika pa kasing lumabas na pinagseselosan daw ni Richard si John kaya naman marami ang naloka.