MATABIL
ni John Fontanilla
HABANG patuloy na ipinalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios sa 2024 Metro Manila Film Festival ay nadaragdagan din ang mga sinehang pinaglalabasan nito.
Ang Topakk ay pinagbibidahan ng award winning actor na si Arjo Atayde na sobrang galing bilang si Miguel, gayundin sina Julia Montes at Sid Lucero na hindi rin nagpakabog pagdating sa aktingan.
Iba ang feeling kapag napanood mo ito dahil mapa-proud ka bilang Pinoy dahil pang-international ang dating nito.
Sa sobrang intense ng mga eksena ay talaga namang mapapahawak ka sa upuan.
Kung naghahanap kayo ng solid na pelikula panoorin n’yo ang Topakk na kompleto rekado, may action at drama.