MATABIL
ni John Fontanilla
KAKAIBANG Nadine Lustre ang mapapanood sa pelikulang Uninvited kompara sa mga pelikulang nagawa niya. Ginagampanan nito ang role ni Nicole na palaban at liberated na anak nina Aga Mulach (Guilly) at Mylene Dizon (Katrina).
Bukod kay Nadine kakaibang Aga at Vilma (Eva) rin ang mapapanood dito, parehong napakahusay sa kani-kanilang role na ginagampanan.
Hindi rin nagpakabog sa aktingan ang baguhang aktor na si Ron Angeles (Mark) na gumaganap na boyfriend ni Nicole (Nadine).
Ang Uninvited ay entry ng Mentorque Productions ni Bryan Dy na idinirehe ni Dan Villegas.