Thursday , May 15 2025
3 mag-anak patay sa saksak ng kaanak sa California

Sa California,USA  
3 mag-anak patay sa saksak ng kaanak

TATLONG miyembro ng isang pamilya mula sa Filipinas ang napaslang kabilang ang dalawang bata matapos pagsasaksakin sa Baldwin Park, California.

Inaresto ng mga awtoridad ang isang 23-anyos lalaking suspek, na pinaniniwalaang kaanak ng mga biktima.

Kinilala ng Los Angeles County Medical Examiner ang mga biktima na sina Mia Chantelle Narvaez, 8; Paul Sebastian Manangan, 16; at Rona Nate, 44.

Sa ulat, nabatid na malalang saksak sa itaas na bahagi ng katawan ng tatlong biktima ang sanhi ng kanilang kamatayan.

Ayon sa Los Angeles County Sheriff’s Department, nakatanggap ng disturbance call ang Baldwin Park police sa Bogart Avenue noong gabi ng 26 Disyembre.

Napaulat na isang batang babae ang sumisigaw at lumabas ng kanilang bahay para magpatawag sa 911 dahil sinaksak ng kanyang ‘kuya’ ang kanilang ina.

Tinangkang tumakas ng suspek sakay ng sasakyan ngunit nasukol siya ng mga awtoridad.

Hindi inihayag ng mga awtoridad ang relasyon ng suspek at ng mga biktima, pero kinompirma ng mga imbestigador na nakatira ang suspek sa bahay ng mga biktima.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …