Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kuwait

Pinay sa Kuwait nakapatay ng bata
Alagang paslit inilagay sa washing machine

ISANG babaeng overseas Filipino worker (OFW) ang iniulat na nakapatay ng alagang paslit nang ipasok sa loob ng washing machine ang bata.

               Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang OFW na umamin sa nasabing krimen.

Kaugnay nito, nagpahayag ng labis na pagkabahala ang pamunuan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa kaso ng nasabing Pinay.

Nagpaabot ng pakikiramay ang ahensiya sa pamilya ng biktima at tiniyak na makikipagtulungan sa mga awtoridad sa isasagawang imbestigasyon.

“We convey our sincere condolences to the child’s family and the Kuwaiti government,” anang DMW.

Naniniwala ang DMW na ang naturang trahedya ay ‘isolated’ at hindi kumakatawan sa ugali ng mga Pinoy at OFWs, na kilala sa kanilang pagiging maalaga, propesyonal, at dedikado sa trabaho.

Batay sa ulat, narinig umano ng mga magulang ng batang lalaki ang palahaw nito kaya’t kaagad itong sinaklolohan. Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit namatay rin.

Umamin sa krimen ang OFW, na ngayon ay hawak na ng mga pulis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …