Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Uninvited

Aga mapapamura ka sa galing

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAIMBITAHAN kami ng Mentorque Productions, thru colleague Reggee Bonoan sa block screening for the press para sa pelikulang Uninvited.

Si Ms. Vilma Santos-Recto ang bida sa Uninvited, at ang masasabi namin ay mula noon hanggang ngayon, Vilma Santos is Vilma Santos.

Si Aga Muhlach, mapapa-p_tang ina ka sa husay, ngayon lang namin siya napanood sa ganoong klase ng karakter.

Salbahe, mal_bog, walanghiya, na taliwas sa tunay na Aga.

Iyong Nadine Lustre, suwabe, class, bitchy na malandi, ang husay din.

Baguhan pa lamang si Ron Angeles, pero nakitaan na namin ng napakalaking potensyal, kapag naalagaan nang husto, puwedeng maging big star.

Napakaguwapo sa screen lalo na sa personal, bukod pa sa nakakaarte.

Mahuhusay na suporta sina Gabby Padilla, Elijah Canlas, at Lotlot de Leon, naiigsian lang kami sa papel ng tatlo, lalo na ni Lotlot.

Pero kung hindi naging maikli ang papel nina Gabby at Elijah, walang iikutan ang kuwento.

Ang pelikula, maganda, kakaiba, naitawid ng direktor ng Uninvited na si Dan Villegas na maayos ang pagkakalahad ng kuwento na totoo nga, naganap lamang sa loob ng 24 oras.

Kaya happy kami na hindi kami Uninvited sa pelikula. Totoo, maganda ang lineup this year.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …