Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat ang mga showbiz-related news.

May dalawang colleagues tayong yumao at may isang hinuli at ikinulong.

Ang kapatid natin sa panulat na si kuya Ed de Leon, 69, ay tuluyan na ngang sumuko sa laban niya sa kanyang sakit sa puso. Isa nga si kuyang Ed sa pinaka-beterano na sa industriya at itinuturing na palaban, laging naninindigan sa kanyang panulat at kilala ring ardent supporter /friend ng mahal nating Star For All Seasons Vilma Santos.

Kahit alam naming busy si ate Vi sa mga gawain niya sa Uninvited at iba pa, talagang tinutukan niya ang paghingi ng updates sa mga may koneksiyon kay kuyang Ed, kasama na ang patnugot natin dito sa Hataw na si mareng Maricris Valdez at ang inyong lingkod. Daig pa namin ang may blow-by-blow updates.

Noon pa man ay laging nakasuporta na si ate Vi kay kuyang Ed lalo na sa mga hospital needs nito at iba pang personal na bagay dahil isa nga ito sa mga dear friends at pinagkakatiwalaan niya sa industry. Kaya ramdam namin ang sakit din nito kay ate Vi.

Agaran ding sumaklolo ang SPEEd group sa pamumuno ng presidente nitong si Salve Asis sa mga ilang detalye sa magiging lamay ni kuyang Ed dahil litong-lito nga ang mga kapamilya nito sa gagawin.

Ngayon nga po ay nasa St. Peter Chapels (Sct Chuatoco, likod ng Pegasus sa Quezon Ave) na ang labi ni kuyang Ed.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …