Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates para sa kanilang Hapon Champion block!

Ipinagmamalaki ng TV5 ang Merry ang Vibes ng Pasko: The MVP Group Christmas Party, isang ekstra ordinaryong two-part Christmas special na ginanap sa Araneta Coliseum. Ang unang bahagi na napanood noong Disyembre 15 ay punompuno ng nakabibilib na performances. At sa Disyembre 22 naman mapapanood ang ikalawang bahagi nito kaya’t asahan ang mas marami pang dazzling acts at heartwarming moments. 

Sa musical direction ni Maestro Louie Ocampo at sa direksiyon ng legendary director na si Johnny Manahan,  tampok sa Christmas special sina Maja Salvador, Apl.de.Ap, Bamboo, at Sarah Geronimo. Kasama rin ang powerhouse performances nina Martin Nievera, Aicelle Santos, at Jed Madela.

Mas lalong magiging makulay ang panonood ng mga viewer dahil sa performances mula kina TVJ (Tito, Vic, Joey) at ng Eat Bulaga “Dabarkads,” Willie Revillame kasama ang Wil To Win co-hosts, Da Pers Family stars (Aga, Charlene, at Atasha Muhlach), at ang cast ng The Kingdom na pinangungunahan nina Vic Sotto, Piolo Pascual, Sid Lucero, at Cristine Reyes. Present din sina Sen. Raffy Tulfo, Korina Sanchez-Roxas, at mga kilalang atleta tulad nina Carlos Yulo, Nesthy Petecio, at Aira Villegas. Kasama rin ang Kapatid stars mula sa Ang Himala ni NiñoSing Galing, at Lumuhod Ka sa Lupa, pati ang mga news anchors at personalities ng TV5.

Ang Merry ang Vibes ng Pasko ay may temang “Puso at Serbisyo” at naglalayong makalikom ng pondo para sa mga typhoon survivor. Huwag palampasin ang pangalawang bahagi ng selebrasyon ngayong Disyembre 22, 5:30 p.m. sa TV5, Sari-Sari, BuKo Channel, at One PH. May same-day catch-up din sa RPTV.

Bukod dito, mas pinalawak pa ang Hapon Champion block ng TV5. Extended na ang Eat Bulaga hanggang 2:40 p.m. para maghatid ng mas maraming sorpresa, laro, at tawanan. Susundan ito ng dalawang episodes ng Frontline Express tuwing 2:40 p.m. at 4:55 p.m. para sa mga up-to-date news ngayong Kapaskuhan. At para sa fans ng trivia at tsikahan, mas pinahaba na ang Quizmosa ng isang oras mula 3:00 p.m. hanggang 4:00 p.m. bago mag-Face to Face: Harapan kasama si Korina Sanchez-Roxas.

Ngayong Disyembre, pupunuin ng TV5 ng saya at tawanan ang inyong holiday! Mula sa Merry ang Vibes ng Pasko: The MVP Group Christmas Party hanggang sa mas pinahabang Hapon Champion block, perfect na kasama ang TV5 ngayong Kapaskuhan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …