Wednesday , May 14 2025
Lala Sotto MTRCB

MTRCB inilabas angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

SIYAM na pelikula mula sa maaksiyon hanggang sa nakaaantig ng pusong mga istorya ang binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa linggong ito.

Ang epic, The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim, isang prequel sa mga nangyari sa trilogy na The Lord of the Rings ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Rated PG din ang mga animated movies na “

Bocchi The Rock! Recap Part 2 at Daft Punk & Leiji Matsumoto: Interstella 5555.

Kaparehong PG din ang horror-comedy na Betting With Ghost, mula Vietnam; Christmas with The Chosen Holy Night, at ang mga concert film mula South Korea na Seventeen Right Here World Tourat NCT Dream Mystery Lab: Dream Scape.

Sa PG, kailangang kasama ng edad 12 at pababa ang mga magulang o nakatatanda sa sinehan.

Ang Kraven The Hunter at Dirty Angels ay parehong rated R-16–mga edad 16 at pataas ang puwede lamang makapanood.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mahalagang tungkulin ng mga magulang sa paggabay sa mga bata habang nanonood.

Habang mahigpit na tinitiyak ng MTRCB na ang lahat ng pelikula ay may angkop na klasipikasyon, esensyal din na maging aktibo ang bawat magulang at guardian sa paggabay sa mga bata pagdating sa pagpili ng angkop na palabas,” sabi ni Sotto-Antonio.

About hataw tabloid

Check Also

Chuckie Dreyfus Boy Abunda

Chuckie inamin nakaapekto tsismis na bading siya noon

MA at PAni Rommel Placente USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating …

Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PAni Rommel Placente ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Nova sa Picnic: a dramatic movie na may lesson sa ating pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales NAIRAOS na natin ang pagboto sa eleksiyon ngayong 2025, kaya manood …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Sylvia trailer pa lang ng Picnic na-magnet na

RATED Rni Rommel Gonzales MAY tila kung anong atraksyon kay Sylvia Sanchez ang Korean movie na Picnic. Trailer …

Rabin Angeles

Rabin Angeles madalas naglalakad patungong Viva

RATED Rni Rommel Gonzales ANG buhay ay parang gulong na umiikot. Kung dati ay nasa …