Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan ECCD

Kampeon sa pagpapaunlad ng mga kabataan
BULACAN, TUMANGGAP NG PAGKILALA MULA SA ECCD COUNCIL

Isa pang karangalan, na nagpapatunay ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamamahala ni Gov. Daniel Fernando sa pagsusulong ng pagpapaunlad ng mga bata, ang iginawad sa lalawigan.

Ginawaran ng plake ng pagkilala ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Council ang lalawigan ng Bulacan para sa namumukod-tanging pagganap nito at napakahalagang kontribusyon sa pagtataguyod ng mga dekalidad na programa at serbisyo sa pag-aalaga at pagpapaunlad ng mga bata sa ginanap na ECCD Council 2024 Partners’ Recognition Program sa Manila Hotel, lungsod ng Maynila.

Sa ngalan ng gobernador, tinanggap ni Provincial Social Welfare and Development Office chief Rowena Tiongson, Provincial ECCD Focal Person Diana De Ocampo, at Evaluator mula sa PSWDO Simeona Manio ang parangal mula kina ECCD Council Vice Chairperson at Executive Director Teresita Inciong at Deputy Executive Director Rommel Isip.

Ayon kay Inciong, higit sa pagdiriwang, ang pagkilala ay panawagan upang hikayatin ang kahusayan at palakasin ang pakikipagtulungan upang mas marami pang makamit para sa mga Filipinong kabataan.

“We hope to inspire all stakeholders to continue striving for improvements. Together, let us strengthen our resolve to provide every Filipino child with access to quality and early learning opportunity, laying strong foundation for the future of the nation’s progress. Your achievement exemplified the power of collaboration and shared purpose, showing that we can accomplish when we work hand in hand,” aniya.

Samantala, ipinahayag ni DepEd Assistant Secretary for Operation Dexter Galban, bilang kinatawan ni Sec. Juan Edgardo Angara, na ang dedikasyon ng mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng mga programa ng ECCD ay nagpapakita na ang pagbuo ng kinabukasan ng mga bata ay hindi ginagawa lamang ng iisa kundi sama-sama.

“Our LGUs are uniquely positioned to ensure that our children particularly every child under the age of 3 receives the care and support they need before entering basic education. You lay the groundwork. You lay the foundation for lifelong success,” ani Asec. Galban.

Ginawaran din ng kaparehong pagkilala ang ibang lokal na pamahalaan sa Bulacan kabilang ang Lungsod ng Baliwag, mga Bayan ng Doña Remedios Trinidad, Guiguinto, Obando, Pandi, Plaridel, Pulilan, at San Ildefonso. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …