Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong buwis buhay stunts sa Tolome, underwater scenes kahanga-hanga

MA at PA
ni Rommel Placente

SA grand mediacon ng weekly action-comedy series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 3, tinanong ang bida sa show na si Sen. Bong Revilla kung ano ba ang idea niya sa matinik na misis, since iyon ang title ng show niya?

Sagot ng aktor-politiko, “Ang matinik na misis sa akin ‘yung matalino, mapagmahal, may puso, at sensitive sa lahat ng mga ginagawa ko at sensitive sa lahat ng ginagawa niya sa tao. ‘Yun ang isang matinik na misis para sa akin. Si Lani (Mercado) iyon, ‘di ba?” 

Pag-amin niya, true-to-life story ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, dahil sa season 3 nito ay may lumabas na anak niya sa ibang babae na ginagampanan ni Jillian Ward

Nagpakatotoo si Sen. Bong na may anak din kasi siya sa ibang babae.

At kung may lalapit kay Sen. Bong na magpapakilalang anak niya, anong gagawin niya?

Well, kung talagang ano, siyempre una, tanungin mo kung sino ang nanay, ‘di ba? Kung dumating ang ganoong pagkakataon, ipa-DNA mo. Dahil kung talagang anak mo siya, dapat panagutan mo ‘yon,” sagot niya.

May ganoong eksena na ba sa buhay niya? 

Alam ni Lani iyon kung ano ‘yung totoo. Mayroon at makikilala niyo rin kung sino sila.

“Hindi mo naman puwedeng itago iyan. Unfair iyon para sa mga bata. Kapag anak mo, aakuin mo, dugo mo iyan at hindi ko ikinahihiya iyan,” ang diretsahang sabi pa ng aktor.

Samantala, sa trailer pa lang ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, talagang pinagkagastusan, pinaghandaan, at pinaghirapan ito ng produksiyon. Ito’y mula sa direksiyon nina Enzo Williams at Rechie del Carmen.

Reaksiyon nga ng halos lahat ng nasa presscon, para na itong pelikula na pwedeng ilaban sa Metro Manila Film Festival.

Special season ito. Pero masasabi ko, pitong episodes na napakatindi, at tingin ko it’s better than 1 and 2. Kasi mas buo ‘yung puso. Buo ‘yung sa family values na makukuha mo. At maraming aral na matututunan.

“Ito ‘yung season na natatawa ka pero maiiyak ka. Tapos, at the same time, ‘yung action natin, matitindi. Maraming mga action scene na talagang death-defying stunts na ginawa, kaya abangan niyo iyan. May underwater scenes,” pagmamalaki pa niya sa season 3 ng kanilang programa.

Tungkol naman sa mga ginawa niyang buwis-buhay stunts at action scenes, triple na ang pag-iingat niya ngayon matapos siyang maoperahan sa Achilles’ tendon.

“‘Yung ingat, nandoon palagi iyan, eh. Hindi ka puwedeng hindi mag-ingat sa lahat ng action scenes na gagawin mo, eh.

“Pero ‘pag nag-grind na kasi ‘yung camera, ‘pag sinabi, ‘O, action!’ nawawala na ‘yung takot mo. Lahat ng ano, gagawin mo, eh.

“Kahit sinasabi ni Direk Enzo, ‘O, eto lang ang gagawin mo, ha?’ Siyempre, fresh pa ‘yung wound ko. ‘No, I’ll do it!’ ‘O, o, o, o!!!’ gumaganoon sila.”

Inamin niyang may mga minor accidents pa ring nangyari sa shooting ng season 3 ng serye, “Sa akin, ‘yung aksidente, sa effects, minsan tinatamaan ako. Black and blue, minsan may mga dugo pa.

“But that’s normal. Kaya makikita n’yo sa mga behind-the-scenes natin na talagang… ganoon talaga ang action. May mga blasting.”

Mapapanood na ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis simula December 22, Sunday, 7:15 p.m. sa GMA 7. Kasama pa rin dito sina Beauty Gonzalez, Raphael Landicho, Carmi Martin, Niño Muhlach, Maey Bautista, Jestoni Alarcon, Liezel Lopez, Joko Diaz, Boss Toyo, Leo Martinez, at Jeffrey Tam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …